isang statement laban sa budget cut
Dahil kami ang boss
–UP Panitikan
kamakailan lamang ay itinatak sa aming isipan
kami raw ang boss kaya’t kami’t pakikinggan
ngunit Noynoy, bakit ka nagbibingibingihan
boses nami’y di naririnig kahit ipaglakasan
wag kaming linlangin mahal naming pangulo
wag tayo magpaikot ikot, hindi naman kami bobo
kaming mga studyante’y hindi pabor ang hinihingi
sapagkat aming karapatan ang siyang itinitindig
hindi magandang biro ang pagtapyas ng aming pondo
habang ang bayad utang at militar ay suportadong todo
elementarya’t hayskul raw ang aming kaagaw sa pondo
ngunit ang totoo ay yung mga kaalyado mong Amerikano
baka sakaling hindi mo pa alam kaya aming babanggitin
karapatan sa edukasyo’y nasa saligang batas natin
bata, matanda, may ngipin man o wala, kahit sino ka pa
silid arala’t upua’y dapat ibigay, walang tanong tanong pa
higit pa sa 1.39 bilyon ang mawawalang parang bula
kasama ang pangarap ng mga kabataang sa mundo’y wala pa
kung ganitong pagpapahalaga ang ipinataw sa edukasyon
iyan ba ang tinatawag na daang matuwid ng iyong administrasyon?!
mariin naming tinututulan ang iyong kalapastanganan
ginoo sa Malacanang, makinig ka sa aming panawagan
kaming boss mo ay galit na galit na
gobyerno mo’y gawing makatarungan para sa madla
kami’y hinding hindi titigil sa paglaban
hindi pwedeng karapata’y balewalain na lamang
hangga’t di naipagkakaloob kung ano ang nararapat
mga iskolar ng bayan ang mabagsik mong makakatapat!
Saturday, November 27, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment