Monday, September 20, 2010

Help

by ako si art


Begging indifference for survival

Numbness and passivity

Blindness than be hurt

All an opposition to heaven


Tears and blood flow

Nothing flows as deep

You survive but with torment

Sinking in to a forever type of sleep


Help no longer hears my call

Doesn’t reach me in time

No one else calls out

I’ve never felt more alone


You’re either too early that I don’t need you

Or you’re too late that I’m gone

Yakapin ang Liwanag

ni baliw-na-payaso


minsa'y napadpad sa isang eskinita

kagyat na nabulabog ang aking gunita

madilim, mapusok, kahindik-hindik

kasaysayan ng buhay sa gulo ay hitik


ilang ulit na kinupkop ng malamig na selda

utak ay inupos ng masamang droga

pamilyang mahal ay ako'y tinalikdan

buhay ko raw ay wala ng patutunguhan


durog na durog ang puso kong sawi

di na makabangon kung saan nakakubli

oh kadiliman! pulos kadiliman!

yayao na ba ako sa huling hantungan?


biglang di mawari kung ano'ng naganap

mistulang tinangay patungo sa alapaap

paligid ay nagliwanag, ako'y nagulat

may init na dumampi sa aking mga palad


iminulat ko ang aking mga mata

sa kasamaang palad, wala akong makita

wala akong marinig, di ko maintindihan

siguro ako'y naliligaw sa kawalan!


binalot ng magandang himig ang paligid

at narinig ko ang Kanyang tinig

ako pala'y hindi naligaw ng landas
ito pala'y daan tungo sa pag-ibig Nyang wagas



ako'y hindi na magsisinungaling
namuhay akong poot ang kapiling
galit sa diyos at galit sa sistema
ang pagkamuhi'y sa puso ko'y nanuot na



ngunit heto't nasa aking harapan
pagkakataong baguhin ang nakasanayan
isa pang pagkakataon ang ibinigay
upang buhay ay magkaroon ng saysay



minsan na akong kumapit sa patalim
minsang nanirahan sa mundo ng lagim
subalit ang panahong iyon at tapos na
hinding hindi ko na babalikan pa


maaring wasak nga ang sistema
dahil sadlak sa hirap ang masa
pero, kaibigan, huwag mong subukan
na ang kadiliman ay hagkan


tangan mo ang Kanyang kamay
at ramdamin ang liwanag ng buhay
kung sa tingin mo ang pag-asa ay wala na
tumingin ka sa kalangitan tsaka sabihing meron pa...

Lihim

By modra krev


Sa bawat araw na ginawa ni Bathala

Heto na lang at laging nakatunganga

Wala sa sarili, madalas na tulala

Mukhang di mawari, di maipinta.


Di malaman kung saan pupunta

Kung saan lulugar, kung saan babanda

Sa dami ng iniisip, inaalala

Di na matanto kung saan sasaya


Tatahimik, tatawa, biglang magwawala

Pati sarili ay di na kilala

Di nila maiinitindihan, di mauunawa

Dahil marami pang bagay na di nailuluha #

Usapan sa Tambayan

ni Makatambata


Isang pagninilay sa mga nakaraang makabuluhang pag-uusap sa iba't ibang maliliit na tambayan at tunguhan. Ang mga ideya, proposisyon, at pagnanais na pumapaloob sa piyesa ay hindi nagmula at pag-aari ng sariling kaisipan ng umakda. Bagkus, ang mga argumento, karanasan, ideya, at paniniwala ng mga katambayan, kaibigan, at kabiruan ang nag-udyok sa malikhaing pagtatagni ng mga kaisipan tungo sa isang tulaang akda. Maraming salamat sa mga taong pinagmulan ng katas ng tulang ito. (susundan ng pagngiti)


Sa kasalukuyan ang lipunan, nakakaranas ng pagkasira,

Sistema ng ekonomiya'y nabubulok, humihina.

Kaya't ang sigaw ng masa, humayo na ang kapitalista!

Papalit ang alternatibong modang sosyalista.



Ayon sa kasaysayan, para sa hindi nagbabasa,

(Pagkat wala lang interes o ibinaon na ng sistema)

Ang lipuna'y nagbabago, hilingin man o tutulan 'to,

Kaalinsabay ng sistema't relasyong pumapaloob dito.


Imperyalismo, Pyudalismo,at Burukrata Kapitalismo,

Ang nabanggit na tatlo, tinaguriang triyangulo ng diyablo.

O ano ang pagbalikwas, o sino'ng tatayo? Siya lamang ba o pati ako?

Ngunit anong silbi ng lakas at pakikiisang maihahatid ninyo?


Kakayanin ba nating tumindig, pagkat puso na'y pumipintig,

Kumakalabog na ang dibdib, Pag-iisip bumibilis.

Pagkatakot ba ang dama, o emosyong nananabik?

Sa paglaya ng bayan, uring api'y lumuluha sa pagkasabik.


Si Che, doktor ang propesyon, rebolusyon ang misyon,

Yaring nagsabi: Walang iisang taong maghahatid ng soberanya't liberasyon!

Ang paghihintay sa lider na magpapalaya sa atin ay gawa-gawang biro.

Ang masang api, natututo, lumalakas, lumalaban,

At inaarmasan ng sarili ang sarili sa 'di makasariling laban.


Ang proletaryan, ang tunay, ang siyang magpapalaya,

Ang hahamig ng tagumpay, kasaysaya'y isusulat, iwiwika.

Ito ang siyang dahilan kung bakit ang hukbo ng magsasaka't manggagawa'y tinagurian:

Pambansang hukbong mapagpalaya, ang marapat ay ipaglaban!


Sa pagwawakas kababayan,o ako'y kikiliti sa iyong dunong:


Una! Sa sistemang kapitalista,

Ang tao nga ay malaya,

Ngunit muling magmuni:

Anong kalayaan, at sino nga ba ang malaya?


Pangalawa! Ang kapitalismo'y episente,

Malayang komersyo kung ituring,

Ngunit sa anino ng pandaigdigang bangko't merkado,

Bakit ang U.S. aking nasasalamin?


Pangatlo! Sa gubyernong nakatindig sa konsepto ng republikanismo,

hindi ba't popular na soberanya ang umiiral dapat, katoto?


Pang-apat! Sa mga taong namumulat,

Pasismo na ang itinutugon.

Ang gubyernong manyakis, sa karahasa'y nakikiapid!

Pwersa ng armas ay siyang itinuturing na poon.


Panlima! Kung nakakamatay ang rebolusyon, at ang sakripisyong ito ay gawang palalo,

Bigkas mo'y maraming buhay na masasawi, maraming inosente na mapapasapanganib.

Ngunit noong wala pa nga ang digmaan, rebolusyo'y sanggol pa ngang sumususo,

Kundi sa gutom mamamatay, sa sakit, sa kamangmangan, sa pang-aapi!


Kahirapan nga ang berdugo, ngunit ito'y sistemiko, kaya't ano ang ugat na dapat ituro?

Ang tao, ang masa, ang magsasaka't manggagawa? Magdalawa o mangatlong-isip,

Suriin mong mabuti, ang kasaysayan at ebolusyon ng gubyernong naghahari.

Ang "indolensya" ni JR aybasahin, "dekalogo" ni Andy ay samsamin!


Panghuli! Kung hindi radikal na pagbago ng sistema,

At repormang struktural ang siyang ipupusta,

Matutulad lamang tayo sa mga naloko

Ng huwad na repormang agraryo sa lupain ng Cojuangco-Aquino.


Sa tingin mo ba'y magbabago ang tadhana sa ganitong mapayapang proseso?

Basahin ang padron ng kasaysayan bago subukang lumiko.

Reporma o rebolusyon? Liberal na demokratikong institusyon, o armadong pakikibaka?

O alin, o alin dito? Para sa anong hinaharap at para kanino?


Mahaba pa ang landas ng rebolusyon, maikli lamang ang buhay ng tao,

Marahil hindi na natin masisilayan ang pagbabagong matatamo.

Ngunit ang buhay sa lipunan ay makabuluhan, sa sakripisyong idinulog,

Pumayapa ka man, ang iyong sinimula'y may kahahantungan sa bayang iniirog.


Sa pagtatanim ng liso ng paglayang hinahangad,

Kakambal ay ngiti't ligaya ng henerasyon sa hinaharap.

Pilipino ka o ipaglaban, ang kalayaan ay karapatan!

Pandayin ang pag-asa para sa hustisyang panlipunan!


Upang tumubo't lumaki ang matatag na punong Pilipinas,

Sumasanga ng nasyunalismo, daho'y pinagyabong ng turo ng sosyalismo

Idilig mo ang makabayang dugo, buhay ay ibuwis, kamalayan ay ihandog,

Patabain ang lupang tinubuan! Ang sarili ay lipunan! Ang kaluluwa'y ipuhunan!

Ang sikat ng araw sa Silangan ay ilantad, hamakin ang kaaway, itaboy silang ganap!

Ang ulap ng kadilimang instrumental sa pagpapanggap, marapat lamang ang paghawi'y hangad


Ang liso'y madidiligan, lubos na masisikatan.

Lalaki ang punong matibay at mayaman

Mag-aanak sa kagubatan, at kikilalanin sa sandaigdigan!

Magbubunga ng prutas na walang kasing sarap,

Ang langit sa wakas, sa lupa na'y malalasap! #

To Sleep is to Slumber; To Die is to Rest

by Mr. Wordplay

The huge hall elegantly shimmered with bright daunting lights which amplified the flashy glows of jewellery worn by women in posh tailored dresses. Music from the finest orchestra serenaded the audience to their delight while they exchanged chats and hearty laughter that filled the atmosphere. Behind the shadows, a faint smile curled on the wrinkled face of a man who faded in the black. No one, yes not even one, new the terror that awaited them.

The lights dimmed and everyone in the antechamber were in awe and excitement, eager to know what surprise the Cojuangcos, host of the night’s annual gathering, had in store for them. The lights pierced the white backdrop as the projector began to gleam the clip. Silence encumbered the hall. The white backdrop suddenly turned red and the musical scoring changed to something dark and eerie. What seemed to be streaks of blood flowed on the screen, spontaneously followed by gunfire and shrieks of people. Apparently, it was the Hacienda Luisita massacre that was being played. The audience’s nerves are getting the best of them but they tried to remain calm, thinking that this could be a prank by the organizers.

The clip stopped. A voice filled with intense emotion and contempt reverberated and chilled every soul in attendance. “We are the peasants”, the voice started. “For so long we have suffered innumerable pains all because of your greed. We toil, we die, in expense of your life of comfort and total control of power. Every evil has its end. Tonight we say no more. Tonight, we end this. Tonight we end this with a bang!”

Chaos erupted as everyone shrieked in terror as they rushed towards the doors. But before they could even get near them, in an instant, an ear splitting, thunderous sound exploded. The vestibule burst in flames as it shot fragments of wood, metal, flesh and bones way up in the air like an exuberant pyrotechnic display. A jubilant roar coming from every direction ruptured as a myriad of people approached the inferno which turned into ashes all their pain and misery. “Tonight, we start all over again. Tomorrow we wake up to a just and fair Philippines!”, shouted by a familiar voice with the same wrinkled face.

---- The farmer woke up embracing the cold, hard and rusty surface of his kris. For some reason, he could not seem to get up. He felt that all his energies had been drained to the last muscle. Summoning up all his strength, he turned his head. A bloody field filled with fallen bodies of people he soon recognized as his comrades, who fought with all they have and whom he considered his brothers, stunned him. He also found himself swimming in a pool of his own blood. The gravity of the events struck him with ineffable brutality.

“One night which ended all our misery with a bang” he started. “Not a bad for a last dream” he continued, as he conjured the same faint smile but now with a gushing pain in his heart. “I wish I didn’t wake up, so I’d die sweetly even if it were under an illusion.” “I guess, a dream will always just be a dream” he mumbled to himself. Even to the final moments of his earthly life marred with strife, he was encumbered with sorrow. Alas! He could not even rest in peace. As his heart raced to its end, and he struggled to breathe his last, he looked at the night sky- so calm, never changing, and unmoved.

Iskolar

ni Makatambata


Ang mundo’y anarkiya, ani ng realista;

Interes ang tungtungan sa digmaa’t pulitika.

Estado’y nagmistulang tao, sarili ang sentro,

Nakikipagsapalaran sa mundo na nakikipagbasag-ulo.


Pagkakaisa’t kapayapaa’y tanaw ng liberal na mata,

Mga bansang demokratiko’y halimuyak na magpapanibago.

Liliwanag sa sandaigdigan ang ideya ng Kantiang triyanggulo,

Luha’y ‘di na aapaw, at dugo’y ‘di na iaanlaw.


Kababaihan ay bilanggo ng kasalukuyang mundong macho

Si lola, si nanay, ate’t nena’y hinuhusgahan sa pamantayang guwapo

Alipin ng lalaking ipinagmamalaki ang mapaniil na ‘pagmamay-ari’

Palibahasa’y babae sa birong ‘di ka na lalaki pa, ika’y mananatiling mababa-eh’


Ang mundo’y konstruksyon ng pag-iisip ng tao,

Apektado ng kultura’t tradisyong iba’t iba’t halu-halo.

Posisyon ng bansa sa desisyong pampulitika’t komersyo,

Binabatay sa kahulugan ng mga katotohanang binubuo.


Ang mundo nila’y maaring iba sa mundo ko,

Kung tanawin mo ay malapit, sa titig ko ay malayo.

Ang mundo’y ipapaliwanag ng indibidwal na nakikipaglaro,

Sa kapalaluhan ng mortal, sa kabila o ibang buhay na lang makikipagdiskurso.


Daigdig ay nilikha hindi para sa iilan, kundi sa pangkalahatan,

Ngunit uring hambog nagpapakasasa, turan ni Karl na dalubhasa.

Ekonomiya’y napagtantong bumabaling sa iilan.

Natuto lamang bakuran ang lupa’y inangkin na nang lubusan.


Alin sa mga perspektibong tinuran ang papanigan mo?

Kailangan bang may paniwalaan? – Naitatanong ko rin yan sa sarili ko.

Husgahan ang lipunan gamit ang karanasa’t libro,

Ngunit palayain ang sarili sa piitang kuwadrado.


Ang lipuna’y espesipiko, kaganapa’y konkreto,

Huwag kalimuta’t tulugan ang kasaysayan ng mga bansa sa mundo.

Maging mapanuri rin sa mga bataya’t batis, pag-iisip tungong pag-dedeliryo.

Pansinin kung mata’y may puwing, kung hindi man nakapiring.


Bago hihilinging may panigan rito,

Sasabihin munang iligtas ang sarili mo.

Huwag mabuhay nang mag-isa sa mundong interaktibo,

Bigyan ng kahulugan ang buhay mo sa mundo.


Ikaw ay ang mundo at ang mundo ay ikaw,

Ngunit siya rin dito, kami rin dyan, o sila ring doon sa ibayo:

Lahat tayo ay ang mundo, o ang mundo ay lahat tayo,

Huwag mamuhay-baliw sa kathang-isip mong imperyo.


Alamin, tumuklas, ipaalam, makialam,

Gamit ang ideyang ‘dapat walang humahadlang!’

Katotohanan ang nais, patungkol sa organismong mundo.

Pagpusta ko: Kapag katotohana’y nakamit, kasunod mong nanaisin ang pagbabago.


Araling makulit, ‘pagkat lahat ay may bahid,

Sa bagay-bagay ay may perspektibong nakakabit,

Ngunit lahat ay may koneksyon, implikasyon, kondisyon, at imposisyong bitbit.

Palayain ang isip: kumbinasyon ng datos, instrumento, at katalasang magwawaksi

Kinalaunan, lilikha ng karanasang gawang makapagtanto!

Daloy ng kasaysaya’t hinaharap animo’y ‘gagalaw na hihinto.’


Sa huli’y pipili ka rin… o pipiliin mo rin.

Maaaring paghalui’t baguhin, ngunit may mas pipiliin ka pa rin. #

May Bagong Prinsesa ang Disney?

by Charlie Anne Espiritu


Sino bang hindi nakakakilala kay Cinderella?

Iyong babaeng nakaiwan ng tsinelas sa hagdan?

Iniisip ko lang kung bakit nag-inarte pa siya

E pwedeng pwede naman niya 'yong balikan.


Meron pang isa,

Snowhite 'yung pangalan niya

Paborito niya siguro 'yung mansanas

O baka naman mahilig lang talaga siya sa prutas.


Kasi, kung hindi ako nagkakamali

Hindi naman siya gutom no'ng mga panahong 'yon

Paniguradong hindi rin naman siya naglilihi

Pero buti gumanda ang buhay niya pagkatapos malason.


Kaya hahanap ako ng hagdan

'Yung sobrang haba't sobrang taas

Kung sakaling ika'y mapadaan,

Iiwanan ko ang kabiyak ng aking Havaianas.


Makabili na nga rin ng mansanas sa kanto

Tapos hihimatayin ako kunwari

Baka lang naman kasi matagpuan mo ako

Syempre gusto ko rin ng marahang halik sa labi.


Pero sa sobrang tagal mo, nagbago na ang aking isip

'Di mo kasi naitatanong, madali akong mainip.

Ayoko na ng hagdan at mansanas sa ating pagtatagpo

Large fries na lang at Coke float sa McDo.


P.S.

Alas singko ng madaling araw tayo magkita

Para maiba naman.

At kapag ang araw ay pasikat na

Saka mo tanungin ang aking pangalan.