Thursday, July 29, 2010

Para Kay Nena

by baliw-na-payaso

Muling nilukob ng pagkalugmok ang aking damdamin
Kay hirap tanggapin na pati ika'y halos wala na sa'kin
Ako'y nagdurusa sa bawat pagmulat ng mga mata
Ang totoo, ayaw ko na atang mabuhay pa

Linggo noon, araw ng pamilya, dapat masaya
Nagbiro ang tadhana, ito'y naging trahedya
Ang ating anak, sa sentido'y tinagusan ng bala
Kapalit raw ito ng puspusan nyang pakikibaka

At tila di pa ata nakuntento ang langit
Kinabukasa'y si bunso'y kanilang ipiniit
"O mahabaging bathala, saan ba kami nagkasala?"
Yan na lamang ang nasambit, wala na akong magawa

Hanggang may dumating na balita sa aming pintuan
Si bunso, walang awa raw nilang pinugutan
Hindi matanggap ng puso ko ang mga naganap
Ganito ba talaga ang kapalaran ng mga mahihirap?

Kami'y simpleng magsasaka lamang
Na ipinaglalaban ang aming karapatan
Ngunit imbes na tupdin ang nakasaad sa batas
Kami'y unti unti nilang inuutas!

Ang aking asawa, palagi ng tulala't wala sa sarili
Araw gabi'y naririnig ko ang kanyang mga hikbi
Hindi ko na sya makausap, ayaw rin nyang kumain
Ako'y umaasa na lamang sa panalangin

Sadyang kay hirap lang talagang intindihin
Wala pang isang linggo'y nawala ang mga mahal natin
Pero giliw parang hindi ko kakayanin
Kung pati ika'y mawawala rin sa'kin

Aking mahal, sana sabay natin harapin ang bukas
Subukan natin magsimula, hindi pa naman ito ang wakas
Huwag tayong pumayag na mawalan ng saysay
Ang mga bagay na pinagbuwisan nila ng buhay

Parehas tayong nawalan, parehas tayong nasaktan
Sa kabila nito, hawak kamay nating itutuloy ang laban
Hangga't hindi tuwid ang baluktot at hindi malinaw ang malabo
Wag tayong titigil, wag tayong susuko

Kaya Mo Ba?

Kaya Mo Ba?
-Kiden

Psst, Kaya mo bang gawin;
Ang Pilipinas ay ibigin?
Itapon ang walang laman na salita,
Patunayan gamit ang tunay na gawa.

Kaya mo bang sagutin,
"Ano ang Pilipino?" kung ika'y tanungin?
Isang sagot na sakto sa punto;
Malinaw na nagsasabing AKO AY PILIPINO

Kaya mo nga bang damhin,
Mga paghihirap na kinayang danasin
Ng ating mga bayani para sa Pilipinas,
Maabot lamang kalayaang wagas.

Kaya mo bang intindihin?
Ang mensahe ng Nasyonalismo na pulit-ulit lamang;
Na kung sana'y ating bubusisiin,
Tayo'y magkaroon ng pagkatuto man lang.

Kaya mo ba?

Sunday, July 25, 2010

Dasal sa Usok

ni Patalipat

Ilang butil na ng luha ang lumabas sa mapupulang mata ng isang babaeng nakaupo sa gilid ng simbahang ito. Mula rito, dinig na dinig ko ang iyak na kanyang pinipigilan. Muli kong pinagmasdan ang kanyang mukha nang siya ay tumingala. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot . Ang kanyang mga kilay ay nakakunot. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata, bumukas ang kanyang mga labi at tila may ibinulong na hindi ko mawari. Isang minuto ang nakalipas at ang kanyang problemadong mukha ay unti-unting nagiging mapayapa at taimtim. Ang kusot sa sakanyang noo ay pansamantalang nawala ng ilang sandali. Napabuntong-hinga ang babae at sa aking gulat, sunud-sunod na luha tumulo sa kanyang namamagang talukap. Taimtim niyang itinago ang kanyang mga hinagpis sa pagyuko.

Napabaling ang aking tingin sa paligid ng simbahan. Wala pa si Padre kaya ang mga tao ay tahimik na nananalangin. Ilang mga mukha ay pamilyar na sa akin. Matagal na rin akong nagmamasid-masid sa mga pumapasok sa simbahang ito ngunit ang babaeng ito ang nakakuha ng aking atensyon at interes. Halos araw-araw siyang pabalik-balik, umuupo sa iisang pwesto, malungkot, umiiyak at bumubulong. Matagal ko nang nais na marinig ang kanyang problema, ang rason na kanyang ikinalulungkot. Nais ko siyang marinig at tulungan ngunit hindi ko alam kung paano. Sa ilang araw, linggo at buwan niyang pabalik-balik dito, hindi niya man lang inisip na lapitan ako.

Nilisan na rin ng ilan sa aking mga kasamahan ang simabahang ito. Lahat sila ay nilapitan na at nabulungan ng mga dasal. Matagal ko na ring inaasam na mangyari iyon sa akin. Madalas kong iniisip kung sino ang taong bibili sa akin at kung ano ang magiging silbi ko. Narinig ko sa aking mga kaibigan na ang iba nilang kaanak ay nagamit sa masasayang pagtitipon tulad ng mga kaarawan, ang iba naman ay ginamit na pansindi ng mga kandila sa kasalan at sa kung anu-ano pang masasayang pagdiriwang. Matagal ko nang iginuguhit sa aking isipan ang masayang araw kung kelan ako ay magagamit. Marahil bilang pagsindi sa isang bonfire na pinaliligiran ng mga masasayang bata, o di kaya’y sa binyag kung saan ako ay hawak ng mga ninang at ninong na tuwang-tuwa sa kanilang inaanak!

Naggambala ang aking paggunita ng isang aninong palapit sa kung saan ako ay nakapatong. Dahan-dahan niya akong pinulot at naglagay ng ilang barya sa kahon sa gilid. Ako ang napili ng babaeng umiiyak, ng malungkot na babaeng nais kong tulungan. Basa at malagkit ang kanyang mga kamay, marahil dahil sa pawis at luha na naghalo sa kanyang balat. Inilapit niya ako sa ibang mga kandilang may sindi at sa ilang sandali, naramdaman ko ang apoy na namumuo sa aking ulo. Sa isang iglap, lahat ng aking mga pangarap na magsilbing ilaw sa isang masayang araw ay lumuho. Sa halip, heto ako, mahigpit na hawak-hawak ng umiiyak na babaeng ito.

Malakas na ang sindi ng aking apoy at hindi ko mapigilan ang saya kahit hindi natupad ang aking pangarap. Sa tagal kong naghintay, sa wakas, ako ay nilapitan at hingakan! Tunay na ligaya ang masindihan at maramdaman ang init na nagmumula sa sariling apoy! Tiningnan ko muli ang mukha ng babae na hindi bumibitaw sa akin. Nais kong magpasalamat sa pamamagitan ng pagpapalakas ng aking apoy subalit napansin kong nakapikit siya at lumuluha muli. Tahimik ang buong simbahan ng ilang sandali hanggang sa dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang bibig. Sa unang pagkakataon, narinig ko ang kanyang bulong.

“Mahal kong Panginoon, Kayo ang aking liwanag at pag-asa. Sa dami ng aking pinagdaraanan, hindi Niyo ako nilisan. O Maykapal, tuluyan Niyo akong gabayan at bigyang-lakas sa darating pang mga araw. Sana po ay palakasin Niyo ang katawan at loob ng aking asawa. Ilang araw na po siyang nilalagnat at hindi makapagtrabaho.

Hindi ko siya madala sa doktor dahil kapos kami sa pera. Ngunit alam ko pong malubha na ang kanyang kalagayan. Sabi niya, ibigay ko na lang po kay Junior ang maaaring magastos sa check-up. Nagsisimula na rin po kasi mag-aral ang bunso namin. Natatakot po ako, Ama ko. ‘Wag Niyo po muna kunin sa akin ang aking mahal na asawa. Pagalingin Niyo po siya. Nahihirapan po siya.”

“Tulungan Niyo rin po akong makahanap ng matinong trabaho. Alam ko naman pong hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ama, wala po kasi kaming makain. Hindi po sapat ang kinikita ko bilang labandera. Naaawa po ako sa aking mga anak.”

“Panginoon, maraming salamat din po sa mga biyayang ibinubuhos Mo sa amin kahit kami ay naghihirap. Salamat po at biniyayaan mo ako ng mga mababait at masisipag na mga anak. Hindi po nagreklamo si Nene nang pinatagil ko siyang mag-aral upang mamasukan muna bilang katulong para makapag-ipon. Napakasipag po niya kaya nga po sa isang buwan, makaka-graduate na ng high school si Nene. Salamat po at ginabayan Mo kami at napatapos ko ang aking anak. Minsan po kasi, naririnig ko po siyang umiiyak ‘pag gabi dahil wala raw gustong makipag-kaibigan sa isang katulong at anak ng labandera. Tulungan Niyo po akong mapalakas ang loob niya, pinapangako ko naman po na igagapang ko ang lahat, makatapos lang siya ng kolehiyo. ”

“Tulungan Niyo po ako Mahal kong Diyos. Nahuli ko po si Boboy na naninigarilyo sa kanto. Hindi ko po siya pinagalitan at natatakot po akong baka maglayas siya tulad ng dati nung nahuli ko siyang naglalasing at sinita naming siya ng kanyang itay. Pinatigil na rin po muna namin siya sa pag-aaral kaya nagtatrabaho siya bilang kargador sa palengke. Patnubayan Niyo po siya ng ilaw na gagabay sa kanya sa tamang landas. Ayoko pong matulad siya sa kanyang Kuya Jojo na namaalam na nang masaksak siya noong isang taon dahil nasangkot sa isang drug deal. Tulungan Niyo po ang aking anak na maliwanagan. ”

“Wala po akong sinisisi, Diyos ko. Ito ang natakda Niyong kapalaran sa akin, buong-puso ko pong tinatanggap. Panalangin ko lang po na bigyan Niyo ako ng lakas. Hindi ko maaaring ipakita sa aking pamilya ang lungkot at hirap na nararanasan ko. Kailangan ko pong maging malakas para sa kanila. Pasensya na po kayo dahil kayo lang ang malapitan ko, alam ko pong tutulungan Niyo ako. Pasensya rin po at ngayon lang ako nakapagsindi ng kandila. Ngayon lang po kasi ako nagkaroon ng sobrang barya mula sa aking sweldo subalit buong-puso ko pa rin pong inaalay sainyo ang aking mga dasal.”

Tumigil siya sa kanyang pagsasalita. Marahan niyang sinambit ang bawat salita sa gitna ng mga luha. Malumanay ang kanyang boses ngunit dinig na dinig ko at tumatak sa aking isip. Naramdaman ko ang aking sarili na umiiyak kasabay niya. Lumuluha ng pagkit ang aking buong katawan. Paubos na ako. Ang aking silyab ay unti-unting namamatay. Ang apoy at liwanag ay nagsisimulang maging usok. Lumulutang ako sa hangin, paakyat nang paakyat. Hindi ko na makita ang babaeng nagsindi sa akin, hindi ko na makita ang babaeng nais kong matulungan.

At sa sandaling iyon, batid na sa aking kaalaman ang aking silbi. Ako ang instrumento na magsisilbing taga-hatid ng dasal sa Diyos, ako ang kinatawan ng matinding pagmamahal ng isang kampeong ina. Ito ang misyon ko—mas maigi pa sa kahit anumang kaarawan o binyag na minsan ay pinangarap ko. Sa oras na maihatid ko ang dasal niya, walang katumbas ang ngiting maipipinta ko sa kaniya mukhang babad na sa luha.

Ilang sandali na lamang, kaunting tiis na lang, malapit na ako.

When the stars go blue

A clipping from the Literary Section of

Philippine Science High School’s Official School Paper: THE BICOL SCHOLAR

Inspired by a true story. ;)


Monday, July 19, 2010

Love Untold


Love Untold



by: Calypso



All I ever waited for-
your eyes glaring to my soul.
All I have always dreamed of-
your breath's scent making all thing turn bright.
All I aspired with my heart-
your kiss casting the doubts and shadows.
All I yearned to feel-
your hand intimately brushing against mine.
All I ever think of-
your image of me all this time.
All I looked forward to-
your heart finally beating for me.
All I need in this life-
your love encapsulating all of me.













My eyes would like to stare only at you,
but you may find it weird.
My breath wanted to be close to you,
but you may think I'm taking advantage.
My lips would like to touch yours,
but you are not yet mine.
My hands are eager to hold yours,
bUt you are not giving me any sign.
My mind always remembers you,
but you are so precious to lose.
My heart beats for you,
but you may say words I fear to hear.
My love is here for you,
but you may just sway me away.

Thursday, July 15, 2010

You Were Just a Dream

by Kiden

You were just a dream for me,
That's what I thought & assumed to be.
Because no matter how hard I try back then,
My feelings I can only tell with a paper & a pen.

You were just a dream for me.
All the pain I kept in my heart;
Wondering if you're too blind to see,
That in my life you played a great part.

Trying for the Nth time I say, "I love you."
I was hoping against hope when you said, "I love you too."
Then again you were just a dream for me
And as a dream you'll stay, as I continue my reality.

An eye for an eye

by Mr. Wordplay

With immeasurable rage seething through every inch of his body, with eyes blurred by anger yet focused on one direction, with every thump created by his footstep reverberating pure want for vengeance, this man approached and halted at the doorstep of one house, vigorously knocking at the door to the point that it would break and relentlessly calling out the father of the household.

Finally his voice is heeded. The person the angry Aeta was looking for reprimanded, “Why make all this ruckus!”

A brief moment of awkward and tensioned silence followed that seemed to last for an eternity. Putting all his effort to keep his composure and not break down to tears, the man replied in a firm and strong voice “Where is your son?”

The father sensing trouble asked in reply, “Why? What happened? What is your business with him? Now that you mentioned it, I haven’t seen him since this morning”.

“I want him dead.”

It seemed like the world stopped in that instant that the father heard those words. Must he have heard him wrong, he repeatedly asked himself. He wants his son dead, but why? Soon enough his head became the devil’s playground. It dawned to him the weight of the situation. This man wouldn’t come and make such a commotion to shame himself not unless...

An imagined wind chilled the father’s deepest core like one he never felt before. Numbness proliferated his entire body, cold sweats flowed from his forehead and his heart raced outlandishly.

The scene that followed was even more outlandish- the father bowed his head signalling submission to the gate crashers will. “I’ll look for him and deliver him to you”

The psychological torment was too much for him. He was just a child barely at puberty yet the burden he carried in him surpasses those well advanced in age. “Where do I go now?”, such a peculiar question to ask himself yet in that very question his very survival depended on. Utterly confused, like any child in his situation would be, he sought protection from persons he could trust the most- his relatives. What any other option does he have anyway? Well aware that he was now being hunted down and should his hunters track him down, he was as good as dead, he begged his uncle and auntie “Please, hide me, protect me I don’t want to die. I’m just a child. I’m innocent”. With reassuring faces, the two responded “Of course we will, we couldn’t let anything bad happen to you. You are our blood”. With that heartening reply, the child felt a huge yoke was lifted from him and that he was at the safest place he could possibly be. He made the right decision of not staying at home and confiding in his father for he felt that his father would even hand him to his trackers. He was not disappointed by his loving uncle and auntie who offered him the much needed refuge he sought.

Emotionally and psychologically in disarray, a tear fell from his eye which was soon followed by a river more. Still shaken from the flash of events that has transpired, his brain couldn’t just process at the pace at which the events are unfolding before him. He looked forward and he saw these old people wearing g-strings and soon realized that they are the well esteemed and respected elders their village Camias. He widened his gaze, looked around though his superfluously flowing tears hazed his vision, and saw the crowd of people circling him. Shortly, he recognized two familiar faces among the crowd as he tried to focus his vision even more, it was his uncle and aunt. Close by was what he quickly distinguished as his father who face was a straight as the way he stood, never moving a muscle. Finally, it struck him, in spite of his tortured psyche, the reason why he was crying from the very beginning. He was now at the first and most important tribal council he was involved in. The one that would decide his fate. His relatives not wanting to dip their fingers into trouble, gave him a false sense of security only to facilitate the betrayal of his trust. He was handed down to his would be killers just like that.

His clouded state of mind was alarmed by this voice roaring with righteous anger. He looks at the source of the voice. For a split second, he saw the bloody head of his playmate. Those eyes, that nose, those lips, that face- the man was an older replica of his friend. The man opened his lips to talk and like a jolt of lightning, silence suddenly devoured the landscape.

“Look at me boy”, the man started. How does it feel it to have the blood of my son staining your hands?!” he continued. But before he could continue his forceful speech, the boy whose hands were tied at his back squirmed uncontrollably and with a broken voice struggled to explain his side and convince others of his innocence.

“It was an accident! Believe me, I am not a killer. I could never kill someone. We were just playing and he slipped, knocked his head to a stone. I tried to wake him up but he did not respond. I didn’t know what to do. I was afraid.”, the child repeatedly reasoned as he summoned up all his bravery to make the people understand him.

“Enough!” the dead child’s father retorted as his voice now crackled and seemed to break down. “I care not about your reasons, a life was taken from me, so should a life be given in return”.

He now turned to the elders and riposted “I could never see my son grow and have a family of his own. I could never even see him smile again. What pain it is to see your son’s lifeless body. His blood has turned the streams water red. I could hear him whisper, ‘father seek justice for my death’”.

The elders after convening decided that the rule of the Aeta should prevail.

An eye for an eye.

All the poor boy could do was to yell

“No! Father help me. Please have mercy on me.”