Thursday, July 15, 2010

Pagbabalik ng Iyong Kahapon

isinulat ni Kiden

Unti-unti kong nararamdaman
Kailangan na kitang pakawalan.
Kahit tayo ang magkasama
Puso't-isip mo pa rin nasa kanya.

Kamay ko nga ba ang iyong nadarama
Sa tuwing hahawakan kita?
Labi ko nga ba ang iyong hinahalikan
Sa tuwing ika'y aking hahagkan?

Unti-unting nauubos ang oras ko;
Nagtataka kung kailang uli kayo magtatagpo.
O ano ang mga bagay na iyong gagawin
Kapag nagbalik na ang mga dating pagtingin.

Ngayon pa lang ako'y nasasaktan na;
Ngayon palang gusto ko nang lumuha.
Dahil alam kong ika'y sa aking mawawala,
Dahil alam kong ika'y dapat kong mapalaya.

0 comments:

Post a Comment