Sunday, December 5, 2010

UPP staTULA # 1

By Joanne Lara and Kenn Miranda

kaba sa aking dibdib ay tuluyang lumalala
naglalaro sa isipan ang tunay na nais nya
ako'y walang lakas upang manlaban
o Diyos ko, ako po'y inyong tulungan!

hindi mkapag-isip, hndi makahinga,
pero totoo bang ako'y pwdeng sisihin?
kailangang mabuhay, gamot ng bata.
sana na lang ako ay Iyong patawarin.

sa madilim na kalyeng aking tinatahak
punyal sa dibdib ko'y lumalalim ang pagkatarak
tila lalong lumalayo ang sinang ng liwanag
kahit anong bilis ng takbo, ako pa ri'y mabibihag

takot man at hindi desidido
nanginginig din sa bawat pagtakbo
hindi naman kita sasaktan, papatayin o anuman
onting tulong lng para pagiging tatay ay aking magampanan.

isang dipa na lamang ang aming distansya
kaunti na lang, makukuha na nya ang aking pitaka
mahabaging langit, bakit ba may mga taong walang awa
di ba nya alam na ito'y aking pambayad eskwela?

onti na lang makukuha ko na,
makakabili na ng gatas para sa gutom na bata
gamot para sa aking mamamatay na asawa
mabubuhay ng isang araw pa ang aking pamilya

salaping kapalit ng dugo't pawis
ng aking amang sa Dubai nagtitiis
sa isang saglit lahat mawawala
pusanggala, nasan ang hustisya?!?!

miss na aking nabiktima,
alam ko nman na masama ang aking ginagawa,
ngunit kung ikaw ang nsa harap ng naghihingalo mong asawa,
magnanakaw ka, papatay at magbubuhos ng luha.

halata sa kanyang mga mata ang kaba at takot
marahil kanyang batid na ang ginagawa'y baluktot
siya kaya'y kumapit lamang ngayon sa patalim
o sadyang nasadlak na sa buhay na malagim?

siguro kung anuman ang aking sabihin
ang gagawin ko ay wala sa rason at hustisya
ngunit lamunin man na ako ng impyerno at kilatisin
gagawin q lahat mabuhay lng ang aking pamilya

bilis ng kabog ng dibdib ko'y natriple na
pagkat nasa dulo na kami ng eskinita
anumang gawin, tiyak wala na kong kawala
ibigay na ang nais nya, kesa ako'y masaktan pa

sa wakas matatapos na din ang litanya
wag ka na sanang magsisigaw at kumalipas
salamat na din sa iyo kahit papaano
hindi mo man sadya, kaligayahan ng pamilya ko'y iyong tinamo.

0 comments:

Post a Comment