Monday, December 6, 2010

UPP staTULA # 3

By Faye Yangyang and Maria Fatima Doce

Aba! Boss na pala ako!
Ngunit hindi lang basta-bastang boss no.
Naglilingkod sa aking presidente pa mismo!
Gayunman nalaman ko,
Mga boss din pala nya kayo.
Kung sino ang susundin, sana wag syang malito.

Hindi maitatanggi ng marami
Baya'y nanggaling sa isang malagim na gabi
Siyam na taong nagdurusa
Diyos ko, nasaan ang awa?
Ngunit heto ngayon, lideratong bago
Bagong aabangan ng buong mundo
Loob man ng nakakarami'y bigo na
Kami nagsusumamo, huwag mo naman sanang ilugmok pa

Karisma mo ay hindi maitatanggi,
Kaya nga ikaw sa pagka-hari ang syang nagwagi.
Ngunit gaano kaya tatagal
Bango mo sa mga kababayan?
Mula sa iyo, kailangan ay makita ang aksyon
Upang mga batikos ay hindi siyang umambon.

0 comments:

Post a Comment