Monday, December 6, 2010

UPP staTULA # 2

By Kiveli Venz Paneda and Karen Christine Moroño

Pang-ilang sembreak ko na rin ito
Simula ng ako'y pumasok sa kolehiyo
Panahong laging inaasahan tuwing pasukan
Ngunit pag dumating na'y sanhi ng pagkabagot ng isipan

Sabi nila, mas masarap
ang mga bagay pag dumaan sa hirap
sa tinagal tagal ng paghihintay
sa wakas, ika'y akin nang nalasap

Oras para sa sarili, sa pamilya at sa mga hilig
Sa sembreak naibibigay sabay pa sa pakikinig ng himig
Maraming mga imbitasyon na gumala kasama ang barkada
Maari din naman gugulin ang oras sa iyong sinta

Hindi ko alam kung anong meron ka
Na nagdudulot sakin ng kakaibang ligaya
Iniisip ka pa lang ako'y sumasaya
Ngayong akin ka na. wala nang hahanapin pa

Basahin ang mga nobela na matagal din naitago
Manood ng mga pelikulang minsan may kurot sa puso
Magpuyat hanggang madaling-araw, matulog hanggang tanghali
Mag-internet, mag-FB, mag-kompyuter hanggang sumakit ang daliri

Salamat at makakatambay na maghapon
Matapos ang matagal na paghahapo
Manonood rin ako ng Chuck
Acads? Go to hell, What the F***!

Tatlo hanggang limang araw magagawa mo ito, pagkatapos ano?
Humanda ka na para harapin ang pagkabagot na nakakapanlumo
Gusto mong may gawin ngunit tinatamad ka naman
At dun mo mahihiling, "Sana malapit ng pasukan."

Kunsabagay, ako man ay naiinip na rin
Naubusan na ako ng gagawin
Naisip ko pa ang grades ko sa thesis
Wala pa rin akong topic, nakakainis!

Dun mo din maaalala iyong mga ginagawa sa eskwela
At mapagtatanto na kahit nagrereklamo ka, ang mga ito'y mahal mo rin pala
Lilipas ang mga araw sa pag-aantay muli sa pasukan
At sa pagsisimula ng mga klase hihilingin mong, "Sana sembreak nanam
an."

Sembreak, mahal kita ngunit ang misyon ko ay matuto
Sandali kang pahinga bago ko harapin ang mundo
Kung mayroon akong ayaw sayo,
Yun ay dahil wala akong baon.

0 comments:

Post a Comment