Thursday, September 23, 2010

Di na Natuto

by Xy

Tumakbo sa pang-Panguluhan

Nagtagal sa katungkulan

Maganda ang simula

Nagtagal, kasamaa’y lumala

Nanatili dulot ng iisang hangarin

Kapangyarihan nais kimkimin


Tayo’y naghangad ng matapang na tao

Tumayo ang iisang apelyido

Akala ng lahat kayo’y tagapagligtas

Simula lang pala kayo may gilas

Hinahamon ngayon ‘yong administrasyon

Kumilos ka ngayon, ‘wag manatiling tikom

0 comments:

Post a Comment